Monday, December 15, 2008

How to Reduce Stress in Your Life

Step1
Write down everything you have to do when you're feeling overwhelmed. Set a time frame, then block out when you will accomplish what. By dividing your workload into manageable chunks, each with an allotted time, you'll feel more relaxed about the work before you.
Step2
Concentrate on one task at a time. Stressing about work you haven't done yet only detracts from accomplishing the task at hand.
Step3
Manage your energies wisely ' prioritize your workload and put in less effort for low-priority jobs, and avoid expending energy on unimportant tasks.
Step4
Delegate responsibility and get outside help if you feel overwhelmed
Step5
Reward yourself for accomplishing things. Acknowledge the work you put in and give yourself a pat on the back, instead of immediately rushing into the next task and creating more stress.
Step6
Take small breaks during work. Visit a nearby café or take a quick walk, or allow yourself 10 minutes to relax in your office: Close your eyes, strip your mind of work-related thoughts, visualize a pleasant landscape or vacation scene and relax your muscles.
Step7
Exercise regularly to maintain your health and release stress, or take up a hobby.
Step8
Give yourself vacations. If indulging in a long vacation (and staying away from work) seems even more stressful, try taking several short vacations per year.
Step9
Maintain your perspective by asking yourself, "Is the situation at hand really that serious that I should become stressed-out about it?"
By eHow Health Editor
My own version of how to reduce stress… jejeje

Nitong mga nakaraang araw ang tindi ng stress na inaabot ko… Sa totoo lang hanggang ngayong lingo na ito stress pa din ako at toxic sa kamote kong amo… kaya nung nakaraang Sabado nauna akong umuwi sa mga kasamahan ko…. Pumunta ko ng SM para mag deposit ng pera sa BDO dahil may mag due kaming check …mahirap na baka tumalbog at makasuhan pa hehehehehe… Punong puno ang SM kahit na hirap ang economic ng bansa ang mga tao parang di nauubusan ng pera sa pagshopping para sa darating na kapaskuhan… Dahil sa ako’y depressed, stressed at toxic wala ako gana mamil at nakakinis dahil ang haba ng pila sa fitting room kaya isang blouse, jeans at shades lang ang nabili ko… Nagtungo na lang ako sa amusement center ng SM Fairview. Dun ko nilabas lahat ng negative feelings na meron ako

Una kong ginawa bumili ko ng isang supot na token 15 pcs tapos punta ko sa asketball at pinagbabato ko ang bola… Haizzz walang na shoot nung una inulit ko uli pero mababa pa rin kaysa sa inaasahan… Pano naman ako lang ang babae sa lane nay un puro halos lalaki ang naglalaro… Pawisan at hingalan akong tumigil… Mejo masakit na din ang aking braso naka 4 games ako hahahahahaha….

Sumunod ko naman pinuntahan yung mga nakaupo tapos tila mamaneho habang nakikipag karera sa katab… Nang tumayo ang isa dali dali akong umupo wala akong paki alam kahit na may bitbit pa akong paper bags ng pinamili… Nag hulog ako ng token at nag simulang mag maneho… kaming nag uunahan sa 1st place sa kasawiang palad ako ang kulelat… At kung totoong karera lang yun malamang sa malamang basag basag na ang sinasakyan ko pati mukha ko o madami ko nasagasaan… Puro bangga ang inabot ko hahahahha… naka 2 ulit pa ko g larong yun… Tapos lumipat ako dun sa nagbiisikleta naman ganun din karera pero this time nakakahingal kasi kailangan mo mag pedal ng ubos lakas at ubos bilis para maunahan ang iyong kalaban…. Isnag batang babae ang nakaupo sa gawing kanan ko na syang katunggali ko… Hahahahahaah nakakatawa talaga kasi tinalo ako nung bata… Hingalan din ako sa isang yun jejejeje…

Sunod naman ang isnag laro na kailangan mong sumuntok ng malakas sinubukan ko din yun… Nakatingin lang lahat ng tao sa paligid ko… Ubod lakas kong sinuntok ang bilog na nasa gitna … Inisip ko yun ang mga taong kinaiinisan ko ang kinabwibwisitan… Na realized ko ang hina kop ala sumuntok ni hindi halos tumaas ang punch scale kung gaano kalakas ang suntok ko… Marahil dahil sa masakit na braso ko dahil sa basketball at talagang mejo ng hihina na din ako… Uulitin ko yun pag nagkaraoon ako ng pagkakataon

Hindi ko rin pinatawad yung may binabaril na mga terrorist… nakipag barilan ako, nag concentrate ako hahahahha iniisip ko yun ang kamote kong ____ hahahahaha… dami naman ako tinamaan kahit na papaano…

Di ko rin pinaligtas ang pag sakay sa bump car na may magilan ngilan ding kasing edad ko ang sumasakay at naglalaro… Ang iba may kasamang jowa ako mag isa lang kasi wala naman talaga sa plano ang bagay na ito…nung una ni hindi ko mapaandar ang bump car mas madali yata paandarin yun car race sa video game jejejejeje…
Nang ako ay mapagod na upo ako sa isa sa mga benches nakakita ako ng isang upuan may nakalagay na 20php lang ang masahe…. Pumunta ko sinubukan ko dhail ilang araw na din masakit ang aking likod… Ok naman yun upuan mismo ang nagmamasahe may kung anong bagay ang gumagalaw sa loob… Pero mas masarap ang masahe ng isang tunay na tao…


Ng mapagod ako sa pagmamasid sa amusement center sa mga taong nag babalik balik sa paglakad at mga anak at magulang na nag hihilaan dahil ayaw pang umuwi ng anak at naglulupasay na sa sahig eh bumaba ako… Pumunta ako sa National bookstore at doon nag ikot ikot nag hanap ako ng mabibili para mabasa sa bahay… Matagal tagal na nga pala akong hindi nakakapag basa… I used to read pocket books bago ko matutunan ang art of chatting na sya palang pinaka magandang paraan para mabawasan ang stress…Tama ba ko MS. Donna?

Friday, December 12, 2008

hAnGaL

Hangal nga siguro ako...

Di ko alam kung bakit pilit akong gumagawa ng paraan magkaroon lang ng maliit na bahagi sa puso mo... sa buhay mo...
Nais kong tumayo sa tabi mo at sabihing kasama mo ako sa lahat ng bagay...Nais kong haplusin ang iyong mukha at tandaan ang bawat hubog nito... Nais kitang yakapin ng mahigpit na kahit hangin ay hindi kayang lumusot... Hawakan ang iyong mga kamay at sabihin nandito lag ako... Ibig kong halikan ang iyong mga labi na tila wala ng katapusan... Titigan ka buhat sa malayo upang malayang pagmasdan ng maitanim ko sa aking puso't isipan ang bawat detalye ng iyong pagkatao... Ipaalam sa 'yo di kita iiwan magpakailan pa man...

Pag ika'y kausap humihinto ang oras... Nagsisimulang umikot ang mundo na tanging ikaw at ako lang ang nilalang... ang iyong presence ay nag bibigay ng kakaibang sigla... ikaw ang dahilan sa bawat ngiti sa aking labi... puso ko'y umaawit sa kagalakan... Kay sarap gumising sa bawat umagang darating...

Paano na lang kung wala ka? Mawawalan ng kulay ang mundo... Walang saysay buhay tila isang makina na walang pakiramdam...Gaya ng isang jigsaw puzzle na kulang ng piraso, hindi na mabubuo kahit kailan...o isang magulong rubic cubes na tanging ikaw lang ang makakaayos...nakalulumbay ang buhay... kung ganon nais kong maging hangal na umiibig sa iyo hanggang sa dulo ng walang hanggan... tanggapin ang pangungutya..pangaalipusta..at panghuhusga.. dahil ako'y isang hangal....