Wednesday, August 20, 2008

Anong Dapat gawin after a break up??

Ano nga bang dapat gawin after a devastating break up?

1st stage: UMIYAK HABANG BINABALIKAN MO LAHAT NG MASAYANG PANAHON NA MAG KASAMA KAYO!!! tama umiyak ka ilabas mo lahat.Habang nag sesentir ka sa mga pangarap nyo sana unti unting nag co-collapse. umiyak ka ng umiyak kahit namamaga na ang mga mata mo! okie lang yun, mahal mo eh. nasaktan ka eh, iniwan ka eh, ok lang yun wag mo pakinggan ang sasabihn ng iba... alangan naman pigilan mo ang pag iyak mo di ba? magkasakit ka pa sa puso! Mas matatagalan kang maka move on kung hindi ka iiyak. Pumunta ka sa isang lugar kung saan pwede kang sumigaw. Isigaw mo ang sakit na nararamdaman mo tapos umiyak ka lang ng umiyak hanggang matuyo na ang mga luhang dumadaloy sa mga mata mo.Wag kang mag alala kasi darating ang time na hindi ka na maiiyak, hindi ka na nasasaktan at unti unti mawawala na ang panghihinayang mo sa nasayang na pag ibig.

ako nung unang break up ko, sobrang nasaktan ako nun. araw araw nasa adoration chapel ako ng FEU. Yes korek araw araw every breaktime nag rorosary ako. Lahat na yata ng dasal nagawa ko bumalik lang sya nyahahahah... Tapos nun sa freedom park iiyak ako ng iiyak habang lahat ng tao nag kakasayahan.. hehehe parang mtv lang nag eemote. Pagkatapos kong umiyak yayayain ko ang barkada para kumain sa RK tapos dun habang kumakain ako iiyak uli ako. Sa totoo nyan mas inatupag ko pa ang pag iyak kaysa pag aarwl. there was a time pa nga na pumasok ako sa PE class namin na nakainom he may practical test kami sa Table tennis ayun pare bagsak ako hindi ko tinamaan kahit minsan ang bola. buti na lang nakabawi ako ng mid term and finals na. Tapos nun lahat ng nararamdaman ko isusulat ko hanggang makabuo ako ng mga tulo. nasan na nga ba yung notebook ko na yun. nawala na yata o kinain na ng anay ahhahaha. Hay naku napapagod na yata mga barkada ko sa pikikinig sa akin sa araw araw na pag iyak ko then one day bigla wala ng luhang lumabas kahit pilitin ko ayaw ng pumatak ng mga luha ko. Natuyo na yata. yes naipasa ko na ang 1st stage naisip ko after almost 2 years yata ng pag iyak... mejo natagalan nga lang hehehehehe

2nd stage: i dont know if you'll agree with me pero i think dito na papasok ang HATRED! kung saan sinasabi mo na his not worth crying for. Maybe to convince your self na ok lang nawala na kayo. Iniisa isa mo ng ilista ang mga kasalanan niya sa yo. Tapos minsan sasamahan mo pa ng mura. Nag sasalita ka na para kang lasing, namumula na dahil sa tindi ng inis mo sa kanya. at matapos mong mag mukhang kamatis sa kakaiyak magpapaganda ka naman ngayon. mag papaiba ng hair style, mamimili ng bagong wardrobe mo (magstos pala nyahahahaha). Sisimulan mo na rin iwasan ang mgadati nyong ginagawa.

Ako nun hindi ako nag pakita sa high school friends ko for morethan 2 years hehehehe we share kasi common friends. Lagi akong absent sa lahat ng celebration. Pano naman every time na makikita nila ko they don't stop asking kamusta na kayo ni ano? hay naku nakaka imbyerna mag kwento ng paulit ulit noh. Saka ang totoo nyan nasasaktan ka pa rin. Kaya ang pinaka mabisnag paraan eh maging invisible ka! effective naman sa akin. Sinulat ko rin lahat ng galit ko nun pero syempre hindi ko pinadala. Kaya medyo natagalan din ako sa stage na ito muntik pa ngang bumagsak.

then 3rd stage: Acceptance! ito ang pinaka mahirap ipasa sa lahat. Kasi hindi mo masasabing accepted mo na ang ngyari kung hindi mo pa kayang harapin ang taong ito ng hindi ka nagagalit or nasasaktan.

ako ang ginawa ko nun nag boyfriend agad ako. which i realized hindi pala dapat. kasi magiging rebound relationship lang ang susunod. You'll just keep on comparing your ex with your present then marerealized mo na hindi mo pala talaga mahal ang taong kasama mo ngayon. dahil your still in love with your ex. Ang pinaka masakit pa nito lalabas kang masama sa mata ng ibang tao dahil nanakit ka ng damdamin ng iba kahit hindi mo naman talaga intention yon. Pinaka tamang gawin siguro don't force yourself to move on yaan mo lang kasi darating ang tiem na makaka move on ka rin completely. tapos nun pag naalala mo ang mga ngyari mapapangiti ka na lang. Then you can say now accepted mo na and your ready to start your new life without him.

0 comments: